“Salamat po sa Panginoon na syang nagbigay ng biyaya at humipo at gumamit sa mga taong ito upang makatulong sa mga katulad namin para matulungan po kaming maghilom ang sugat sa mga puso namin, mabawasan ang kirot, mawala ang galit at mapalitan ng papuri at tiwala sa itaas, salamat po.” (mula sa isang nanay, na tinokhang ang anak na 18 y/o, Marso 12, 2021)